Noong isang araw naghahanda ako sa pagpasok. Nakabihis na ako at binubulsa na lang ang mga karaniwan kong dinadala na gamit, tulad ng flash drive, mga susi, wallet, panyo, id, at cellphone, “Teka, nasan na nga ba pala cellphone ko?” tiningnan ko sa aking cabinet, sa ilalim ng unan, sa ilalim ng kama na parang gubat sa dami ng bag, sapatos, tsinelas, karton, pero wala parin akong cellphone na nakita.
Kahit mumurahin nakaline yun sa Sun kaya unlimited call and text sa mga kapwa ko sun tulad ng asawa ko, laking tipid talaga. Hindi ako nag aadvertise nito ha, sinasabi ko lang kung ganu kalaki panghihinyang ko kapag nawala yun.
Kahit mumurahin nakaline yun sa Sun kaya unlimited call and text sa mga kapwa ko sun tulad ng asawa ko, laking tipid talaga. Hindi ako nag aadvertise nito ha, sinasabi ko lang kung ganu kalaki panghihinyang ko kapag nawala yun.
Sa aking paghahanap napansin na ako ng kaboardmate ko at tinanong kung ano ang aking hinahanap. “Cellphone ko”, “Narinig ko lang kaninang nagalarm ah.” sabi niya. “Smart ka ba?” sa pagbabasakali niya, para sana maparing dahil nakaunli call siya, kaso Sun ako. “Try mo itext baka sakaling marinig natin” sinubukan ko itext sa cellphone niya dahil may pangtext siya sa ibang network, kaso wala parin. Baka mahina ang volume at hindi namin narinig. Dapat talaga maparing kaso dalawa na lang kami na nasa kuwarto at wala na ako iba pang mahiraman. Saka namin nakita ang cellphone na naiwan ng isa pa naming kaboardmate. “Try mo na iparing sa cellphone niya baka may load yan, paring lang naman.” sabi ng kaboardnate ko. Sabihin na lang nating siya si boardmate 1 at boardmate 2 naman ang nakaiwan ng cellphone niya sa kama.
Nagdalawang isip ako sa paggamit ng cellphone ni boardmate 2, hindi ko naman kasi ito mapapaalam dahil pumasok na siya at naiwan niya lang. Kaso malalate na ako at kailangan ko mahanap ang cellphone. Sa isip ko lang “Sige paring lang naman, sabihin ko nalang mamaya paguwi ko.” Nahanap ko kagad ang cellphone, pero nagkamali pa ako nung una ng dial, dahil number ng asawa ko ang napindot ko. Magkasunod lang kasi kami ng number. Ang last digit ng number niye ay 29 samantalang 30 naman ang sa akin.
Sa wakas nakita ko na din kaya pumasok na ako ng opisina. Gabi na ako nakauwi, sa dami siguro ng iniisip nakalimutan kong sabihin kay boardmate 2 ang paggamit ko ng cellphone niya. Hanggang nagtext na si misis na may nagtext daw sa kaniya na tinatanong kung may kakilala daw ba siya na nakatira sa Louie Tower kung san ako nakatira. May gumamit daw kasi ng phone niya at nakaregister yung number ng asawa ko. Saka ko lang naalala na hindi ko pa pala nasabi kay boardmate 2. Nagmadali tuloy akong bumaba galing roofdeck ng boardinghouse kung saan ako madalas tumambay at pumasok sa kuwarto.
Hinanap ko kagad si boardmate 2 at sinabi na ginamit ko ang cellphone niya para iparing ang cellphone ko. “Hindi ko kasi mahanap, medyo naging desperado na ako kaya pinaring ko na muna gamit ang cellphone mo.”, “Saan ang number mo dito? Yung …30 o yung …29?” tanong niya. “Yung 30” sagot ko naman. “e yung …29 knino?” tanong ulit niya na may paguusisa na para bang naghihinala na ginamit ko talaga na pangtawag ang phone niya. Kesa sinabi ko na sa asawa ko ang number, although partially true, bigla ko na lang nasabi na nagkamali lang ako ng dial. Pero hindi ko sinabi na sa asawa ko ang number na iyon. Sa takot na isipin niya talaga na sinamantala ko ang pagtawag.
Pagkatapos ko sabihin ay umakyat na ako ng roofdeck. Dali-daling tinext at tinawagan ang asawa ko na wag niya na replyan at sasabihin na kilala niya ako dahil baka ako ay mabuko. Pero sa oras na yun nababagabag na ang aking kalooban. Alam ko na nagkamali ako at dapat ko sabihin ang buong katotohanan. Parang maliit na bagay lang at puwede ko na palagpasin. Pero dun naman lahat nagsisimula, great things start with small beginnings sabi nga nila, baka hindi ko mamalayan masanay ako ng ganun at masira ang aking integridad.
Bumaba ulit ako, at nilakasan ang loob na kinausap si boardmate 2. Sinabi ko na number iyon ng asawa ko, pasensiya na pero nagkamali talaga ako ng pagdial since magkasunod lang kami ng number. “Posible ba na magkasunod kayo ng number?” tanong niya. “Ou kasi line yung kinuha ko at sabay ko kinuha yung dalawang phone.” nakombinse ko naman siya at sinabi niya na ok lang naman daw iyon.
Hindi pala ganun kadali na aminin sa iba ang iyong pagkakamali at ipakita na naging mahina ka. Parang isang tinik na naalis sa aking lalamunan pero masarap sa pakiramdam kapag nalagpasan.
“Integrity is doing the right thing after you have done the wrong thing even if it is the hardest thing.”
---Pastor Keith Boyer

No comments:
Post a Comment