Ang araw ay lumilipas.. mabilis.. hindi namamalayan..
Para bang kailan lamang ay musmos ako..walang alam. Walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa aking paligid.
Wala akong problemang iniisip.
Nakakatulog ako nang mahimbing sa gabi..Hai ang sarap maging bata…
Araw-araw ako ay naglalaro.. Gustong-gusto kong maglaro-sapagkat sa pagkakataong ito lamang ako may kontrol sa mga maaaring mangyari..
Magkamali man ako ng gawin ay maaari ko pang uliting muli hanggang sa maging tama, maaari ko pang uliting muli nang hindi ako nasasaktan- dahil ako ay naglalaro lamang.
Minsan iniisip ko, sana bata na lamang ako habambuhay…Habang ako ay nagkakaisip…tumatanda…
Marami nang nagbago-sa paligid ko, sa sarili ko, at sa pananaw ko sa buhay… tapos na ang oras ko ng paglalaro..
Tapos na ang mga pagkakataong kontrolado ko ang mga maaaring mangyari..
Tapos na ang mga pagkakataong magkamali man ako ay hindi ako masasaktan..
Dahil heto na ako… sa isang larong naiiba..
ang Laro ng Buhay..
Nag-uumpisa pa lamang ako sa larong ito…
At sa pagkakataong ito ay kailangan nang maging seryoso.. bawat kilos ay dapat ingatan..
Sapagkat maaaring ako ay may masaktan..
Nang ako ay nagsimulang magkaisip ay nagsimula na rin akong mangarap…
Mangarap- libre nga naman iyan. Walang bayad.. sa pangangarap ay marami akong puedeng gawin.. walang kahirap-hirap..
Ngunit ang pagsasakatuparan ng mga iyon ay nangangailan ng ibayong lakas ng loob sapagkat sa mundong aking ginagalawan ay maraming hadlang..
Minsan pati ang mga inaakala kong kakampi ko ay siya palang susuwag sa akin..
Ganyan nga naman sa larong ito.. minsan dalawa na lamang ang pupuede kong pagkatiwalaan.. ang Diyos at ang aking sarili…
Ngunit higit kanino man.. Sa Kanya lubos ang aking tiwala… tuluyan din akong masasanay sa larong ito ng buhay… sa larong ito na rin ako tatanda..
At sa aking pagtanda may mga ilang bagay ako na nais makita… May mga pangarap ako na nais makitang naisaatuparan na..
Aaminin kong mataas akong mangarap… Alam ko rin na kaakibat ng mga panagarap na iyon ay ang mabigat na responsibilidad na nakaatang sa aking mga balikat…
Sino pa nga ba ang tutupad ng mga iyon kung hindi ako rin mismo?..
Sa tulong at awa ng Panginoong Diyos.. Mataas man ang aking mga pangarap ay nananatiling simple pa rin ang aking pagkatao…
Ordinaryo lamang akong mamamayan… Ordinaryong tao na nalulungkot, nasasaktan…
Ngunit alam kong sa likod ng aking pagiging ordinaryo ay may nakatago-mga bagay na hindi ko pa nalalaman..
maaaring sa aking sarili at sa mga bagay-bagay sa aking paligid…
Nagpaalam na naman ang taong ito at bumungad na ang susunod…
Isang taon na naman ang maidadagdag sa akin.. tatanda na naman ako…
Nakakalungkot mang isipin pero ni isa man sa aking mga pangarap ay wala pang natutupad.. Nasa kalagitnaan pa lamang ako.. Sa iba naman ako ay nag-uumpisa pa lamang…
Kung hindi ako kikilos, maaaring pagtanda ko wala ni isa man sa aking mga pangarap ang matupad…
Sa aking pagtanda… may isa akong pangarap na hindi na sakop ng aking pagdedesisyon…
nakadepende ito sa Kanya at sa isang tao.
Kung ako ba ang pipiliin niya ay hindi ko alam.. tanging Siya lamang ang may alam..
Ang tangi ko na lamang magagawa sa ngayon ay ang magdasal at umasa
na sana nga ay ako nga… Sa aking pagtanda nais kong makita na magkasama kami..
Masaya..Hai.. tumatanda na nga ba talaga ako at kung anu-ano na ang naiisip ko? Siguro nga…
Sana nga magkatotoo…Sa aking pagtanda…..
Michael
No comments:
Post a Comment